Manila, Philippines – Aabot sa mahigit 74 thousand ang bilang ng mga namatay sa Pilipinas noong 2016 dahil sa ischemic heart diseases o paninigas ng mga ugat.
Sinabi ni Secretary Francisco Duque III na batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang limang non-communicable diseases na iniuugnay sa paninigarilyo at nangunahinv sanhi ng pagkamatay sa Pilipinas ay kanser, stroke, hypertension, diabetes mellitus at iba pang sakit sa puso.
Ayon kay Duque, nang dahil sa paninigarilyo, tumataas ang panganib ng pamumuo ng dugo o blood clot, napapanipis ang mga ugat at nahaharang ang pagdaloy ng oxygen sa dugo.
Nakakasama rin aniya sa kalusugan ang paglanghap ng secondhand smoke.
Pang matagalang epekto rin aniya ng pagtigil sa paninigarilyo ang pagbaba ng tsansa na dumanas ng stroke.