
Manila, Philippines – Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang publiko sa mga sakit na nakukuha ngayong panahon ng tag-ulan.
Ayon sa DOH, ang mga sakit na kadalasang nakukuha sa panahong ito o tinatawag na water-borne diseases ay typhoid fever, cholera, leptospirosis, at hepatitis.
Payo ng ahensya, tiyaking kumukuha ng inuming tubig sa malinis at ligtas na source.
Maari ring pakuluan ang tubig ng dalawang minuto o higit pa para matiyak na ligtas ito.
Siguruhin ding may sapat na supply ng pagkain at nakalagay ito sa maayos na storage.
Kapag nakaranas na ng senyales o simtomas ng alinmang sakit ay agad na magpakonsulta sa doktor para maiwasan ang pagkalat ng impeksyon sa iba pang tao.
Facebook Comments









