Manila, Philippines – Nagpa-alala ang Department of Health (DOH) sa publiko na regular na maghugas at panatilihing malinis ang mga kamay para maiwasan ang pagkakahawa ng conjunctivitis o sore eyes na kadalasang nakukuha ngayong summer.
Ayon sa DOH, ang mga taong may sore eyes kadalasang nakararanas ng pamumula at pangangati ng mata at naglalabas ng mamasa-masang nana.
Nagtatagal ang impeksyon mula lima hanggang 12 araw.
Paghihimok ng ahensya na agad na magpakonsulta sa espesyalista partikular sa ophthalmologist kapag nakararanas ng sore eyes.
Para maiwasang mahawaan ng sore eyes, ugaliing maghugas ng kamay, iwasang kusutin ng mata, i-disinfect ang mga bagay, labhan ang mga damit, punda ng unan o anumang nahawakan o nagamit ng taong may sore eyes.