PAALALA | DOH, pinayuhan ang publiko na paigtingin ang preventive measures laban sa dengue

Manila, Philippines – Pinapayuhan ng Department of Health (DOH) ang mga publiko na paigtingin ang preventive measures bilang kontra sa pagkalat ng sakit na dengue sa mga komunidad.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, dapat tandaan ng publiko ang ‘4S’ strategy ng kagawaran.

Epektibo aniya itong pamamaraan para maiwasan ang pagkakaroon ng kaso ng dengue at makontrol ito.


Ang 4S ay: Search and Destroy Mosquito Breeding Places; Secure Self-Protection; Seek Early Consultation; Support Fogging o Spraying only in hotspot areas.

Payo pa ni Duque, panatilihing malinis ang kapaligiran sa pamamagitan ng pagtapon sa stagnant o hindi nagagalaw na tubig sa mga container dahil pinamumugaran at pinangingitlugan ito ng mga lamok.

Facebook Comments