PAALALA | DOTr may hugot lines para sa mga motorista nitong Undas

Manila, Philippines – Gumawa ng gimik ang Department of Transportation (DOTr) para mapaalalahanan ang mga motorista na mag-ingat sa pagmamaneho nitong Undas.

Gamit ang #hugotundas ng DOTr kumakalat ngayon sa social media ang ilang hugot lines para ipaalala sa mga motorista ang pagsunod sa batas trapiko.

Ito ang ilan sa mga hugot lines ng DOTr:
“Ano ang mas nakakatakot, hindi ka crush ng crush mo
O mag-crash ang mukha sa bilis ng pagmamaneho”


“Yung iba takot sa multo pero hindi takot magmaneho ng walang linsenya.”

Maraming netizen ang natuwa sa hugot ng DOTr.

Umaasa ang Department of Transportation (DOTr) na tatatak sa isip ng mga motorista ang kanilang hugot lines.

Hinimok din nila ang publiko na i-tag ito sa kanilang mga kakilala para makaiwas sa aksidente sa pamamagitan ng pagsunod sa batas trapiko.

Samantala, matapos ang Undas inaasahan naman ang pagdagsa ng tao pabalik ng Metro Manila pati na rin ang muling uuwi sa kani kanilang probinsya.

Facebook Comments