PAALALA | DPWH, magsasagawa ng road reblocking ngayong weekend sa Quezon City

Manila, Philippines – Simula alas onse ng gabi mamaya (June 22), hanggang alas singko ng madaling araw ng Lunes (June 25), sasailalim sa Road Reblocking ang ilang kalsada sa Quezon City.

SOUTHBOUND:

1. EDSA pagkatapos ng Arayat St. (3rd lane mula sa sidewalk) Service Road.
2. EDSA tapat ng Francesca Tower lampas ng Sct. Borromeo (3rd lane mula sa center island)


NORTHBOUND:

3. EDSA malapit sa North Ave., MRT Station (2nd lane)
4. Batasan Road, Commonwealth Ave., papuntang Kalinisan St. (2nd lane)
5. A.H Lacson Ave., malapit sa España
6. Congressional Ave., bago mag Mindanao Ave. (3rd lane)
7. Fairview Ave. mula sa Mindanao Ave. Extn papuntang Jordan Plains Subd. pabalik ng Mindanao Ave. Extn

Pinaiiwas na ang mga motorista sa mga nabanggit na kalsada upang di na maabala pa sa pagbiyahe.

Facebook Comments