Manila, Philippines – Pinaalalahanan ng Food & Drug Administration laban sa pagbili at paggamit ng mga hindi rehistradong household urban pesticide products
Nabatid na hindi rehistrado sa FDA ang nasabing pesticide products kabilang na ang mga ss:
1. Human Nature 100% Natural Bug Shield Mosquito Repellenet Deet-Free Oil
2. Pili Bug Me Not Moisturizing Lotion Made with Pure Pili Oil
3. Lio-Tiger Mosquitto Killer King Size New Improved
4. Lion-Tiger Mosquito Killer Lavender Scented Coils
5. Mon-Export Quality Mosquito Coil Lavender
6. Read A Dream Yuanmeng Mosquito Repellent Incense
7. Sweet Dream High Quality Black Mosquito Repellent Incense (Jasmine)
8. Wawang Sun Universe Forgking Insecticide Aerosol (Lemon)
9. Wawang Sun Universe Forgking Insecticide Aerosol (Rose)
Napatunayan sa pamamagitan ng isinagawang post marketing surveillance ng FDA ang mga nabanggit na pesticide products ay hindi dumaan sa proseso ng rehistrasyon ng ahensya at hindi rin nabigyan ng proper marketing authorization.
Ang lahat ng establisyamento ay binabalaang huwag mamahagi ng nasabing iligal na produkto hanggang sa ito ay mabigyan ng kaukulang awtorisasyon, sapagkat may katapat na kaukulang parusa.
Ang nasabing mga produkto ay nakapipinsala, nakalalason at maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan ng tao o hayop.
Hinihiling ng FDA sa lahat ng Local Government Units at Law Enforcement Agencies na tiyakin na ang mga produktong ito ay hindi maibebenta o magagamit sa kanilang mga nasasakupan.