PAALALA | FDA, nagbabala sa mga mabibiling school supplies na may mataas na lebel ng heavy metals

Manila, Philippines – Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko sa pagbili at paggamit ng ilang school supplies na mayroong ‘unacceptable level’ ng heavy metals.

Nadiskubre ang mataas na lebel ng lead, cadmium at mercury sa mga sumusunod na produkto:

· 12 in 1 pencil
· fairyland 16 crayons
· leeho glotter fabric paint pens


Kapag nakontamina ang bata sa mga nabanggit na kemikal ay posibleng magdulot ito ng neurological damage, mabagal na mental at physical development, at problema sa pandinig.

Inalerto na ng FDA ang lahat ng kaukulang ahensya at mga lokal na pamahalaan para matiyak na hindi maibebenta sa merkado ang mga nabanggit na produkto.

Facebook Comments