PAALALA | Halos 20,000 eskwelahan, posibleng maapektuhan ng bagyong Ompong

Manila, Philippines – Halos 20,000 mga eskwelahan sa buong bansa ang posibleng maapektuhan ng bagyong Ompong.

Ayon sa Department of Education – mula ito sa 76 na school division na binubuo ng mahigit 7.7 milyong mag-aaral.

Ito ay mga paaralan mula sa Region 1 hanggang Region 6, gayundin sa region 8, 10, Cordillera, CARAGA at Metro Manila.


Kaugnay nito, pinagana na ng DepEd ang kanilang disaster risk reduction ang management service para makipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Umaasa naman si Education Sec. Leonor Briones na magtutuloy-tuloy ang pagtuturo at pag-aaral ng mga bata pagkatapos ng bagyo.

Facebook Comments