PAALALA | Ilang bahagi ng EDSA at iba pang kalsada sa Metro Manila, Isasailalim sa road repair sa June 18

Manila, Philippines – Paalala sa mga motorista, isasailalim sa road repair ang ilang bahagi ng EDSA at iba pang kalsada sa Metro Manila.

Sa abiso ng DPWH at MMDA – sisimulan ang road reblocking alas 11:00 ng gabi at tatagal hanggang alas 5:00 ng umaga sa Lunes, June 18.

Kabilang sa maaapektuhan ang mga sumusunod na kalsada:


Sa Southbound
Edsa pagkalagpas ng Arayat St, third lane mula sa sidewalk
Edsa sa harap ng Francesca Tower hanggang makalagpas ng Sct. Borromeo, third lane mula sa Center Island.

Sa Northbound
Edsa malapit sa North Ave., Mrt Station, second lane
Batasan Road, Commonwealth Ave., hanggang Kalinisan St., second lane., H Lacson Ave., malapit sa España.

Pinayuhan naman ng MMDA ang mga motorista na iwasan ang nasabing mga lansangan para hindi maabala.

Facebook Comments