PAALALA | Ilang bahagi ng Roxas blvd., isasara sa October 27

Manila, Philippines – Pagpatak ng alas-10 ng umaga sa Sabado (Oct 27), isasara muna sa mga motorista ang kahabaan ng North at Southbound lane ng Roxas blvd., simula sa TM Kalaw hanggang Katigbak Drive.

Ito ay ayon sa Manila Police District Traffic Bureau ay upang bigyang daan ang ika – 40 anibersaryo ng Jesus is Lord Church.

Pinapayuhan ang mga motoristang magmumula sa Pier Zone/Anda Circle na dadaan sa southbound lane of Roxas Boulevard, na kumaliwa sa P. Burgos.


Sa mga magmumula naman sa Buendia na dadaan sa northbound lane ng Roxas Boulevard, makabubuting kumanan patungong TM Kalaw.

At sa mga magmumula at tutungo naman sa Manila Ocean Park/H20 Hotel at Manila Hotel ay pinapayuhang dumaan sa Katigbak Drive.

Facebook Comments