PAALALA | Ilang lugar sa Taguig at Parañaque, mawawalan ng tustos ng tubig mamayang gabi

Manila, Philippines – Nag-abiso ang Manila water na mawawalan ng suplay ng tubig sa ilang lugar sa lunsod ng Taguig at ParaƱaque.

Magsisimula ang water interruption mamayang alas- 9:30 ng gabi na magtatagal hanggang alas kwatro ng umaga, araw ng Huwebes, july 26.

Kabilang sa mga apektadong lugar: Sa Taguig city: ang Upper Bicutan, Maharlika, South Daang Hari, Central Bicutan, Dulong Bayan 2, North Daang Hari, at ilang bahagi ng Lower Bicutan.


Samantalang sa ParaƱaque city naman: ang ilang bahagi ng brgy. San Martin De Porres.

kasunod ng isasagawa nilang pipe relocation at service maintenance activities sa bahagi ng a. bonifacio street ,cucumber Road, FTI Compound, Brgy. Western Bicutan, at sa DOST Compound ng Brgy. Upper Bicutan.

Pinapayuhan ng Manila Water ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na mag-imbak ng sapat na tubig para sa kanilang mga pangangailangan sa mga nabanggit na oras.

Facebook Comments