Mas pinag-iigting pa ng health authorities partikular ang Department of Health Region 1 ang paalala sa publiko kaugnay sa nararanasang tumataas na kaso ng influenza-like illnesses sa buong Rehiyon Uno.
Ayon kay Dr. Rheuel Bobis, ang DOH-CHD 1 Medical Officer, tumataas ang tyansa ng isang tao na magkaroon ng influenza-like illnesses dahil sa nararanasang pabago-bagong panahon.
Dagdag pa nito ang napansing kaso rin ng mga sore eyes lalong lalo na sa mga bata.
Umabot na sa 6, 834 ang bilang ng naitalang kaso ng mga nagkaroon ng nasabing sakit sa buong Region 1. Ang probinsya ng La Union ang nakapagtala ng pinakamataas na kaso sa bilang na 3,003, sinundan ng Pangasinan na may 1,853, 248 dito ay mula sa Dagupan City, habang mayroon ding 1,220 sa Ilocos Sur, at 510 mula sa Ilocos Norte.
Pinaalalahanan ang mga publiko na hanggat maaari ay magsuot ng face mask lalo na para sa mga hindi pa nakakatanggap ng flu vaccine.
Para naman sa mga nakararanas na ng sintomas ng nasabing sakit tulad ng lagnat, ubo, sipon maging ng pananakit ng katawan ay hinikayat na magpahinga, mag-isolate at pumunta na sa pinakamalapit na ospital o health center. |ifmnews
Facebook Comments