PAALALA KONTRA MANDURUKOT SA MGA MATAONG LUGAR, INILABAS NG PANG PPO

Naglabas ng paalala ngayong araw ang Pangasinan Police upang paigtingin ang pag-iingat ng publiko laban sa mga insidente ng pandurukot, lalo na sa mga matataong lugar sa lalawigan.

Ayon sa inilabas na pahayag, inabisuhan ang mga mamamayan na iwasang ilabas ang cellphone at pitaka sa masisikip na lugar at ilagay ang bag sa harapan ng katawan upang maiwasan ang pagnanakaw.

Binigyang-diin din ang kahalagahan ng pagsasara ng zipper ng bag at pagiging alerto sa mga lugar tulad ng terminal, palengke at mga pampublikong pagtitipon. Ipinunto ng pulisya na ang pagiging mapagmatyag sa mataong lugar ang unang depensa laban sa mga mandurukot.

Kaugnay nito, hinihikayat din ang publiko na agad makipag-ugnayan sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya o tumawag sa 911 sakaling may mangyaring insidente upang makakuha ng agarang tulong at tugon.

Ang naturang paalala ay bahagi ng patuloy na kampanya ng pulisya sa Pangasinan upang mapanatili ang kaligtasan at kaayusan ng publiko sa lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments