Manila, Philippines – Nagpaalala ang Commission on Election sa mga kandidato para sa Barangay at Sangguniang Kabataan eleksyon na sumunod sa campaign rules.
Ayon kay COMELEC Spokesperon James Jimenez, mahigpit na ipinagbabawal ang pangangampanya bago ang itinakdang campaign period mula Mayo 4 hanggang 12.
Muli ring ipinaalala ni Jimenez na hindi pinapayagan ang paglalagay ng tarpaulin at iba pang campaign materials sa mga ipinagbabawal na lugar.
Aniya, bawal ang paglalagay ng images, pangalan, logo, brands, insignias, color motifs sa anumang public structures at lugar.
Ang lalabag daw dito ay mabibilanggo ng isa hanggang anim na taon at mawawalan ng karapatang bumoto.
Paalala pa ng COMELEC, mahigpit rin nilang ipapatupad ang copy right law sa paggamit ng kanta o orihinal na komposisyon bilang campaign jinggle.
Habang papayagan aniya ang paggamit ng social media para sa pangangampanya.