PAALALA | Mga may flight schedule pinayuhang makipag-ugnayan sa kanilang airline company

Nag-abiso ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa may mga flight schedule ngayong araw hanggang weekends na makipag-ugnayan muna sa kani-kanilang airline companies bago magtungo sa paliparan.

Ang paalala ng MIAA ay kasunod narin ng inaasahang magiging epekto ng bagyong Ompong.

Inaasahan kasing magpapaulan sa malaking bahagi ng Luzon ang bagyo kasama ang habagat.


Payo ng MIAA ugaliing i-check ang website ng inyong airline company upang mabatid kung tuloy o kanselado ang flight.

Saka-sakaling makansela ang flight dahil sa sama ng panahon otomatikong libre ang flight rescheduling o flight rebooking.

Manatili din anilang nakasubaybay sa balita at sa kanilang social media account para sa anumang announcement.

Facebook Comments