Manila, Philippines – Pinaalalahanan ng Lawyer for Commuters Safety ang mga pasahero na naghahabol na sa biyahe patungong lalawigan na iwasang sumakay sa mga colorum vehicles.
Ayon kay LCS founder Chairman Atty. Ariel Inton, hindi otorisado at walang permiso sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para makapagbiyahe ang mga colorum na sasakyan.
Bukod pa dito ang kawalan ng insurance para sa mga pasahero anuman ang mangyaring insedente habang bumibiyahe .
Sa halip, hinimok pa ng Lawyer for Commuters Safety ang publiko na ipagbigay alam sa mga kinauukulan ang makikitang operasyon ng mga ito .
Paliwanag pa ni Atty. Inton na hindi naman maituturing na colorum ang isang behikulo na inarkila at ginamit sa biyahe ng mga miyembro ng pamilya.