PAALALA | Mga pulis, pinaalalahanan ng DILG na maging non-partisan ngayong eleksyon

Manila, Philippines – Nagbabala ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa lahat ng units ng Philippine National Police (PNP) na huwag magpakita ng pagkiling sa sinumang kandidato sa darating na Barangay at SK election.

Pinaalalahanan ni DILG Secretary Eduardo Año ang PNP na sa ilalim ng Republic Act 6713, Republic Act 3019 at PNP Ethical Doctrine, ang mga kasapi ng PNP na nagtatrabaho para sa gobyerno at law enforcement entity ay dapat paglingkuran ang lahat ng indibidwal nang walang diskriminasyon sa anumang partido na kinaaniban alinsunod sa mga umiiral na batas at regulasyon.

Bilang principal law enforcement agency sa bansa ang PNP, dapat gawin nito ang lahat para matiyak na mapayapa at maayos ang halalan sa Lunes.


Inatasan din ni Año ang pulisya na makipagtulungan sa lahat ng aktibidad at operasyon ng COMELEC Elections Officers at Provincial Elections Supervisors may kaugnayan sa barangay elections.

Facebook Comments