Ibinahagi ang ilang paalala ng Dagupan City Disaster Risk Reduction and Management Council kaugnay sa nararanasang dobleng init ng panahon ngayon sa lungsod ng Dagupan sa naganap na Monday Flag Raising Ceremony ngayong umaga lamang ng Lunes.
Matatandaan na nakapagtala kamakailan lamang ang Dagupan City na may pinakamataas na heat index sa buong bansa na 42°Celsius na sinundan ng Cotabato na nasa 41°C, Zamboanga at Tuguegarao na makakapagtala ng 40°C, 39°C naman sa mga lugar ng Tagbilaran at Catbalogan.
Hudyat naman ito ng simula ng summer o tag-init bunsod ng range of High Pressure ng forecast ng PAGASA Dagupan.
Pagitan ng alas dyis ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon ang peak o ang pinakamararamdamang init ng temperatura. Sa ngayon ay nasa 40 to 42 degree Celsius ang heat index na naitatala noong mga nakaraang araw hanggang ngayon.
Paalala ng Dagupan City DRRMC ang ilang mga hakbangin upang maiwasan ang ilang pagkahilo at pag-atake ng sakit ngayong mainit ang panahon.
Pinapayuhan ang mga Dagupeño na manatiling hydrated o ugaliing uminom ng tubig. Magdala rin ng mga pamprotekta sa init tulad ng payong at pamaypay.
Kung lalabas naman ng bahay, manatili sa mga may lilim na mga bahagi at sa presko upang makabawas sa init na mararamdaman.
Ipinaalala rin ng ahensyang CDRRMO ang hindi dapat pagsunog ng mga basura, lalo ngayong mainit na panahon, mabilis ang pagkalat ng apoy.
Samantala, asahan ang mainit na panahon sa ilang bahagi din ng bansa bunsod ng tinatawag na easterlies o ang mainit na hangin na nagmumula sa Silangan. |ifmnews
Facebook Comments