Paalala ng POSO sa mga makikisaya sa Bangus Festival: Agahan ang pagpunta sa siyudad

May paalala ang Public Order and Safety Office (POSO) sa mga makikisaya sa Bangus Festival 2019 sa araw ng biyernes ika-12 ng Abril 2019.
Ayon kay Carlito Ocampo, POSO Chief ng Dagupan City agahan na lamang ang pagpunta ng siyudad upang hindi maipit sa traffic at para magkaroon ng magandang puwesto sa panonood ng parada dahil ang ilang kakalsadahan ay isasara alas dos ng hapon at magsisimula ang parada ng alas kwatro. Kabilang sa mga dadaanan ng parada ay ang Perez Blvd, M. h Del Pilar, AB Fernandez Avenue kaya ang mga kakalsahadan nito ay isasara at magpapatupad ng traffic rerouting plan.
Idedeploy lahat ang mga personnel ng POSO Dagupan sa biyernes at bawat sulok ng siyudad ay magkakakaroon ng dalawang POSO Officer na mag asiste sa nasabing aktibidad.
Dagdag nito iwasan ang pagsusuot ng mga alahas na maaring targetin ng mga kawatan at mabuting magcommute na lamang upang makaiwas sa traffic. [image: 18033468_1877561009133889_6126938627848971170_n.jpg]

Facebook Comments