Paalala ng WHO: Pairalin ang ‘physical’, hindi ‘social distancing’

Magkalayo, pero konektado pa rin.

Ito ang nais mangyari ng World Health Organization (WHO) na nagmungkahing tawaging “physical distancing” imbis na “social distancing” ang isang pamamaraan upang maiwasan ang pagkalat pa ng novel coronavirus.

Sa isang press briefing, iginiit ng ahensya ang kahalagahan ng mental health habang kinahaharap ng buong mundo ang COVID-19 pandemic, kaya anila, mainam na panatilihin ang koneksyon sa pamilya.


“We’re changing to say physical distance and that’s on purpose because we want people to still remain connected,” ani WHO epidemiologist Dr. Maria Kerkhove.

“Technology right now has advanced so greatly that we can keep connected in many ways without actually physically being in the same room or physically being in the same space with people,” dagdag niya.

Naunang ginamit ng WHO ang katagang “social distancing” na sinundan ng gobyerno ng Pilipinas na nagpatupad ng isang metrong distansya sa pagitan ng bawat tao.

Nang simulang gamitin ang “physical distancing”, tumulad naman ang ilang ahensya sa bansa gaya ng Philippine Economic Zone Authority.

Facebook Comments