PAALALA | PAGASA, pinag-iingat ang publiko sa posibleng sakit na makuha ngayong tag-init

Manila, Philippines – Nagbabala ang PAGASA sa publiko sa heat stroke at iba pang sakit na maaring makuha ngayong mainit na panahon.

Ayon kay PAGASA Climate Monitoring and Prediction Section OIC Analiza Solis, titindi pa ang init lalo at sa papasok na buwan ng Mayo dahil hindi pa naitatala ang pinakamainit na temperatura sa ngayon.

Sa taya nila, posibleng umakyat sa 39.6 degrees celcius ang maximum temperature sa hilagang Luzon.


Payo ng pag-asa ay uminom ng maraming tubig at magsuot ng komportableng damit.

Facebook Comments