PAALALA | Pagpo-post sa social media, dapat limitahan

Manila, Philippines – Pinayuhan ng Philippine National Police (PNP) ang publiko na i-secure ang kanilang Facebook ngayong holiday sa pamamagitan ng paglimit sa mga public views ng mga personal posts.
Ayon sa PNP, kung mahilig ang tao na mag-post ng mga larawan o lugar kung nasan man sila sa kanilang social media ay maiging i-delay ang pag-post nito upang hindi ma-monitor ng mga kawatan ang bawat lakad.
Dagdag pa ng PNP, mahalaga sa paggamit ng social media na lagyan ng level of security at magkaroon ng privacy sa mga gagawin ngayong holidays.
Pinayuhan din nila ang mga mahilig mag-live sa social networking sites kung saan dapat din daw itong i-limit sa mga viewers at ilaan lamang para sa mga kaibigan.
Sa ngayon, wala pa namang namo-monitor ang mga otoridad ng mga insidente ng pagnanakaw na nag-ugat sa mga impormasyong ipinost sa social media.

Facebook Comments