Manila, Philippines – Pinaalalahanan ni Senator Panfilo ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA laban sa pagsasapubliko ng narco list na kinabibilangan ng 93 elected officials.
Giit ni Lacson, sa halip na makabuti ay tiyak na makakasama sa kampanya laban sa ilegal na droga ng administrasyong Duterte ang paglalantad sa pangalan ng mga halal na opisyal na sangkot umano sa ilegal na droga.
Sa halip ay pinayuhan ni Lacson ang PDEA na tahimik na magtrabaho para mangalap ng mga ebidensya at bumuo ng kaso laban sa mga nasa narco list.
Paliwanag ni Lacson, walang saysay ang pagsasapubliko ng narco list dahil ang tanging makakamit lamang dito ay ang pahiyain ang mga indibidwal na kasama sa listahan at ilagay sa peligro ang kanilang mga buhay.
Facebook Comments