PAALALA | Pamunuan ng MIAA muling umapela sa mga pasahero

Manila, Philippines – Muling nagpaalala ang pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa mga pasahero na siguraduhing walang mga ipinagbabawal na gamit sa kanilang mga bagahe bago pumasok sa paliparan.

Ang paalala ay ginawa ni MIAA General Manager Ed Monreal kasunod narin ng insidente kahapon kung saan isang babaeng pasahero ang kinuwestyon sa NAIA Terminal 2 matapos madiskubre ang isang plastic bag na puno ng basyo ng kalibre 38 baril sa loob ng kanyang bagahe

Pero nakaalis din naman ang babae matapos kumpiskahin ng airport authorities ang halos 400 bala mula sa kanyang pag-iingat.


Sinabi ni Monreal na mayroon pa rin kasing mga pasaherong makulit o hindi pa rin alam ang mga bagay o gamit na hindi dapat bitbitin kapag papasok ng paliparan at sasakay ng eroplano.

Paliwanag ni Monreal na malabo nang mangyari ang tanim bala sa NAIA ngayon na nagagamit noon ng ilang tiwaling tauhan sa airport para mangikil ng mga pasahero.

Facebook Comments