PAALALA | Pangulong Duterte, pinayuhan ang mga miyembro ng PSG

Manila, Philippines – Binibigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Presidential Security Group (PSG) ng kalayaan na protektahan siya kung naniniwala pa sila sa kanya at sa mga programa nito.

Sa nangyaring change of command ceremony kahapon, paalala ni Duterte sa PSG members, huwag tratuhing mas importante ang kanyang buhay kaysa sa mga normal na Pilipino.

Payo pa ng punong ehekutibo sa kanila na manatiling tapat sa bandila at sa bansa.


Muli ring pinaalala ng Pangulo sa mga unipormadong tauhan ng gobyerno na protektahan at pangalagaan ang bansa.

Facebook Comments