PAALALA | Pipelaying at interconnection activities ng Manila Water sa EDSA-Shaw, itutuloy na bukas

Itutuloy na ng Manila Water ang naudlot nitong pipelaying at interconnection activities sa southbound service road ng EDSA malapit sa kanto ng Shaw boulevard.

Sa abiso ng water company, gagawin ito simula alas-7 ng gabi bukas hanggang alas-9 ng umaga ng Biyernes, August 17.

Kaugnay nito, tatlumpu’t tatlong (33) barangay mula Quezon City, Mandaluyong, Pasig at San Juan ang makararanas ng water interruption bukas.


Nasa 466 na mga residente o 92,000 mga bahay ang maaapektuhan nito.

Payo ng Manila Water, mag-imbak ng tubig na sasapat sa oras ng pagpapatupad ng Water Interruption.

Sarado naman ang righmost southbound lane ng EDSA na sakop ng pagkukumpuni kaya pinapayuhan ang mga motorista na dumaan muna sa mga alternatibong ruta.

Matatandaang hindi muna itinuloy ng manila water ang naka-schedule nitong pipelaying and interconnection activities dahil sa mga pag-ulan at banta ng pagbaha.

Facebook Comments