PAALALA | PNP, pinaaalahanan ang mga magulang na bantayan ang aktibidad ng kanilang mga anak ngayong summer break

Manila, Philippines – Nagpa-alala ang Philippine National Police (PNP) sa mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak ngayong summer break.

Ito ay kasunod ng mga ulat na napasok o may impluwensya na umano ang New People’s Army (NPA) sa ilang student organizations sa mga paaralan at unibersidad.

Ayon kay PNP Spokesman, Chief Superintendent John Bulalacao, ilang college students ang kasama ng mga kasapi ng rebeldeng grupo sa iba’t-ibang lugar sa bansa.


Aniya, may ilang pagkakataon na sumasama ang mga estudyante sa ginagawang pananalakay o pananambang ng mga bandidong grupo sa puwersa ng gobyerno.

Panawagan pa ng pambansang pulisya sa mga estudyante na huwag sumama sa mga summer off-campus activities na isasagawa sa mga insurgency-affected areas.

Facebook Comments