Manila, Philippines – Nagpaalala ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na iwasang mag-post sa social media hinggil sa kanilang mga lakad ngayong Undas.
Ayon kay PNP Spokesperson Chief Supt. Benigno Durana, mainam na huwag ipaalam sa iba sakaling may lakad sa Undas at iiwanang walang tao ang bahay.
Puwede rin aniyang ibilin ang bahay sa pinagkakatiwalaang kapitbahay.
Sabi pa ni Durana, tiyaking nakakandado ang lahat ng pinto at bintana sa bahay at ilayo ang mga mahalagang pag-aari mula roon.
Tiyakin din aniyang walang nakasinding kandila, nakasaksak o bukas na appliance at tumutulong gripo.
Siguraduhin ding may mga emergency number ng security ng subdivision, tauhan ng barangay o istasyon ng pulis.
Facebook Comments