
Nagpatupad ang Urdaneta City Police Station ng pamamahagi ng mga informative materials bilang bahagi ng kanilang paghahanda para sa nalalapit na pagdiriwang ng Bagong Taon.
Ayon sa pulisya, ang mga ipinamigay na materyales ay naglalaman ng mahahalagang paalala tungkol sa pag-iwas sa aksidente at responsableng asal sa gitna ng selebrasyon. Bukod dito, isiniwalat din ang kahalagahan ng pagiging maingat at alerto upang maiwasan ang hindi inaasahang insidente.
Isinagawa ang pamamahagi sa mga lugar na madalas puntahan ng publiko kabilang ang kaligtasan sa tahanan, sa lansangan, at sa mga pampublikong lugar habang abala ang mga tao sa pagdiriwang.
Higit dito, hinimok ng Urdaneta City Police ang publiko na makiisa at isabuhay ang mga paalala para sa isang maayos at ligtas na pagsalubong sa Bagong Taon mamaya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









