PAALALA SA PUBLIKO UKOL SA NARARANASANG INIT NG PANAHON, MAS PINAG-IIGTING; LGU DAGUPAN, NAGBAHAGI NGILANG SAFETY TIPS

Mas pinag-iigting pa ang paalala ng awtoridad sa patuloy na nararanasang init ng panahon na inaasahang magtatagal hanggang sa mga susunod na buwan.
Pinapaalalahanan ang lahat ng ugaliing uminom ng maraming tubig o kinakailangang walong baso ng tubig at magdala ng mga kagamitang panangga sa init ng araw.
Sa lungsod ng Dagupan, nagpapatuloy din ang lokal na pamahalaan sa information dissemination kaugnay sa mga dulot ng nararamdamang magkakasunod na matataas na heat indices na pumapalo mula 42 hanggang 4 Degree Celsius.

Alinsunod dito ang pagbabahagi ng kaalaman ukol sa posibleng mga pag-atake tuwing ganitong tag-init tulad ng heat stroke. Ilan sa mga hakbanging ipinaapaalam sa lahat ay ang paggamit ng cold compress, pagpapainom ng tubig gayundin ang fan o kung anumang makakapagbigay ng hangin.
Samantala, mayroon ding hotlines ang mga magiging katuwang na ahensya sa kaligtasan tulad ng City Health Office Dagupan, CDRRMO, at Red Cross na maaaring tawagan kapag nakaranas o nakaramdam ng mga health emergencies sa mga numerong 0933-861-6088, 0997-840-1377 at 0968-444-9598. |ifmnews 
Facebook Comments