Nagpakawala na ng tubig ang San Roque Dam.
Sabado ng hapon nang magsimula itong maglabas ng tubig na may elevation na 274 meters.
Magdudulot ito ng pagbaha sa mga lugar na dinaraanan ng Agno River.
Ang mga bayan na maapektuhan ay ang San Manuel, san Nicolas, Sta. Maria, Asingan, Villasis, Alcala, Bautista, Rosales at Bayambang.
Kailangan umanong magpakawala ng tubig para maiwasan ang pagkasira ng dam.
Sa huling monitoring ng DZXL, kaninang alas-4:00 ng umaga ang lebel ng tubig ng dam ay nasa 287.33 meters above sea level.
May inflow ito na nasa 1,245 cubic meter per second at outflow na nasa 1,692 cubic meter per second.
Dalawang gate ang nakabukas.
Facebook Comments