PAALAM NA | Dating US first lady Barbara Bush, pumanaw na

Amerika – Pumanaw na sa edad na 92 ang dating first lady ng Amerika na si Barbara Bush.

Kamakailan nang mapaulat ang paghihina ni Bush na piniling magpagaling na lang sa bahay matapos na isugod sa Houston Methodist Hospital noong Biyernes Santo.

Ilang beses din siyang naglabas-masok sa ospital noong nakaraang taon dahil sa sakit na Chronic Obstructive Pulmonary Disease at Congestive Heart Failure.


Bukod sa pagiging asawa ni dating US President George H.W. Bush, nakilala rin ang dating first lady sa pagsusulong niya sa karapatan ng mga kababaihan at matapang na pahayag tungkol sa iba’t ibang isyu.

Facebook Comments