PAALAM | Olympian Ian Lariba pumanaw na

Manila, Philippines – Sumakabilang-buhay na kagabi ang Rio de Janeiro Olympian na si Ian Lariba matapos ang mahigit isang taon na pakikipaglaban sa leukemia.

Si Lariba ay dalawamput-tatlong gulang lamang.

Kilala sa tawag na Yanyan, si Lariba ang kauna-unahang Pilipinong Olympian na nakapaglaro sa table tennis competitions ng Summer Games.


Nagawa niya ito sa 2016 Olympic Games sa Brazil.

Bago nito, naging miyembro siya ng national team at lumaban para sa De La Salle University sa UAAP.

Naging pambihira ang naging collegiate career ni Lariba.

Patunay dito ang tatlong Most Valuable Player at dalawang Athlete of the Year Award nito.

Nakikiramay ang DZXL 558-RMN Manila sa mga naulila ni Yanyan Lariba.

Facebook Comments