PAALAM | Tanauan City, Batangas Mayor Antonio Halili, nailibing na

Tanauan, Batanga- Inihatid na sa kaniyang huling hantungan ang napatay na alkalde ng Tanauan, Batangas na si Antonio Halili.

Sabay-sabay na nagmartsa ang mga Tanaueño para humingi ng katarungan sa pagpaslang kay Halili o ‘Walk for Justice’.

Para sa panganay na anak ng alkalde na si Mark Anthony Halili, ang mga kalaban sa pulitika at drug lords ang utak sa pagpaslang sa kanyang ama.


Sa imbestigasyon ng PNP, mayroon na silang mga persons of interest.

Sinisilip na rin ang anggulo ng droga pero wala pa ring katiyakan.

Nabatid na pinatay si Mayor halili habang nagsasagawa ng flag ceremony nitong July 2.

Facebook Comments