#PAALAMBETSY:Pinaslang na Humanitarian Worker nailibing na, Hustisya sigaw ng pamilya

Dinagsa ng kanyang mga mahal sa buhay, mga kaibigan, kababayan at mga katrabaho ang libing ng Humanitarian Worker na si Betsy Yap.

Inihatid ito sa kanyang huling hantungan sa Marian Hills Cemetery sa Datu Odin Sinsuat Maguindanao alas dose kanina matapos ang isinagawang misa.

Bumuhos rin ang emosyon ng mga nagmamahal kay Betsy kasabay ng pahihinayang sa di napapanahong kamatayan nito.


Napakalaki aniyang kawalan si Betsy para sa ARMM HEART lalong lalo na sa pagtulong at pagkakawang gawa nito sa mga residenteng naaapektuhan ng mga natural at manmade calamities ayon pa kay Ms. Jo Henry, Senior Staff ng ARMM Heart . Sinasabing halos limang taon rin itong naging myembro ng ARMM Heart.

Hindi naman maitago ang kalungkutan ng mga inulila ni Betsy lalong lalo na ng kanyang ina na Municipal Councilor ng South Upi at ang limang taon nitong kasintahan na isang Marine Corporal.

Patuloy pa rin ang panawagan ng mga kaanak ng pinaslang na 31 year old na dalaga na sanay agad na mabibigyan ito ng hustisya.

May 5, 2018 ng hapon ng pagbabarilin si Betsy habang sakay ng kotse kasama ang apat na iba pa sa Sitio Tenorio Brgy Awang DOS.

PICS:RBD

Facebook Comments