PAALISIN | Pagpapatalsik kay Overall Deputy Ombudsman Carandang, hiniling sa Malakanyang

Manila, Philippines – Hiniling ngayon sa Malakanyang na paalisin na sa kaniyang opisina si Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang matapos na hindi ipatupad ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang 90-araw na suspensiyon nito.

Sa petisyon na inihain sa Office of the President, nais nina Atty. Manuelito Luna at Eligio Mallari at mga dating kongresista na sina Jacinto “Jing” Paras at Glenn Chong na pwersahan nang paalisin sa pwesto si Carandang.

Partikular na hiniling ng apat na bitbitin palabas ng kaniyang opisina ang nasabing opisyal.


Si Carandang ay pinatawan ng suspensyon ng Malakanyang dahil sa ginawa nitong imbestigasyon laban kay Pangulong Duterte hinggil sa kaniyang mga bank account.

Tumanggi naman si Morales na ipatupad ang kautusan sa pagsasabing hindi sakop ng Malacañang ang mga opisyal ng Office of the Ombudsman.

Facebook Comments