Matatandaan November 8, 2016 pinayagan ng Supreme Court na mailibing si dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Ito’y matapos ibasura ng mga mahistrado ang petisyon na humihiling na pigilan ang hero’s burial para sa dating pangulo.
November 18, 2016 o sampung araw makalipas ang nasabing desisyon, nasurpresa ang sambayanan sa biglaang paglibing sa dating pangulo sa Libingan ng mga Bayani.
Mula sa himlayan sa Batac, Ilocos Norte, inilipad ang mga labi ni Marcos sa LNMB.
Binigyan ng military honors si Marcos kabilang na ang 21-gun salute.
Napatalsik si Marcos noong 1986 dahil sa EDSA People Power Revolution kung saan napilitan lumikas ang pamilya Marcos patungong Hawaii.
Pagkalipas ng tatlong taon, pumanaw ang dating diktadurya sa karamdaman noong September 1989.
Pinayagang maibalik sa bansa ang kaniyang mga labi noong 1993 matapos makipagkasundo kay noo’y Pangulong Fidel Ramos na dadalhin ang mga labi nito sa Ilocos.