Manila, Philippines – Mapipilitan ang ilang eskwelahan na magpauwi ng takdang aralin o assignment sa mga estudyante sa dahil sa dami ng mga araw na walang pasok.
Nabatid na ilang araw na walang pasok ang mga estudyante kamakailan dahil sa ikinasang tigil-pasada ng grupong Piston at bagyo.
Sa Nobyembre, pitong araw ang mawawala sa school calendar kabilang na rito ang November 1, araw ng undas.
November 13 hanggang 15 dahil sa pagdaraos ng ASEAN Summit.
Ang mga Metro Manila mayors, sinuspinde na rin ang klase sa November 16 at 17.
At November 30 ay regular holiday kung saan ginugunita ang kaarawan ni At. Andres Bonifacio.
Ayon kay Department of Education Usec. Tonisito Umali – hindi rin pwedeng paikliin ang Christmas break sa December 22 hanggang January 2.
Kasabay nito, apektado rin ang mga manggagawa na hindi sasahod sa mga no work, no pay holiday o non-working days.
Sa pahayag ng Labor Department ay pwedeng magkaroon ng special arrangement ang mga empleyado at mga may-ari ng kumpanya na pumasok pa rin ang mga empleyado.