Manila, Philippines – Magsisimula na ngayong araw ang pagdinig ng senado hinggil sa pagbili ng Department of Health (DOH) ng Dengvaxia.
Ayon kay Senator JV Ejercito, Chairman ng Committee on Health and Demography, tututukan sa nasabing pagdinig kung paano nabili ang mga dengue vaccine mula sa Sanofi Pasteur.
Aniya, kailangang matukoy ang pag-uusap ng mga opisyal ng pamahalaan at ng Sanofi Pasteur bago pa man nangyari ang procurement.
Pag-uusapan din aniya sa pagdinig kung credible ang mga resource persons na magbibigay ng kanilang opinyon patungkol sa nasabing usapin.
Facebook Comments