PAANO NANGYARI? | Unborn son, inayawan ang pangalang dapat ay ibibigay sa kanya ng kanyang mga magulang

Manila, Philippines – Isa raw sa pinakamahirap na desisyon para sa mga magulang ay ang pagpili ng pangalan na ibibigay sa kanilang anak.

Kadalasan, mula sa pinaghalong pangalan ng mga magulang ang ibinibigay na pangalan, habang ang iba, iginagaya sa pangalan ng kanilang iniidolong personalidad.

Pero isang pregnant woman mula U.K. ang nakakuha mismo ng sign sa kanyang unborn son!


Kwento ni Laura Brown, habang isinasailalim siya sa 4D scan, natanong daw sila ng nurse kung may naisip na silang pangalan para sa baby.

Nang mabanggit ng asawa niyang si Alex Gould ang pangalang “frankie” bigla na lang nilang nakita sa 4D scan ang paggalaw ng mga daliri ng baby na naka-v sign.

Laking gulat naman ng mag-asawa at nang sabihing hindi na “Frankie” ang ibibigay na pangalan sa kanya, bigla naman daw itong ngumiti.

Para kina Laura at Alex, sign daw ito na hindi dapat “Frankie” ang ibigay nilang pangalan sa sanggol na nakatakda niyang isilang sa Abril.

Facebook Comments