PAARALAN SA DAGUPAN CITY, GAGAMITIN BILANG QUARANTINE FACILITY

Dalawang paaralan sa lungsod ng Dagupan ang ginagamit ngayon bilang karagdagang quarantine facility dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19

Ayon sa lokal na pamahalaan, gagamitin bilang quarantine facility ang East Central Integrated School sa Brgy. Mayombo District.

Abot hanggang 170 ang bed capacity nito mula sa apat na palapag na gusali at mayroong proper ventilation na isa sa mga requirement upang maging isang community isolation unit.


Napagkasunduang gamitin ang naturang paaralan ng lokal na pamahalaan at ng Department of Education.

Maliban sa East Central Integrated School nauna ng ginamit bilang quarantine facility ang isang paaralan sa Bonuan Boquig na mayroong 124 na bed capacity.

Sa pinakahuling datos ng LGU, mayroon ng 342 na aktibong kaso ang Dagupan City, kung saan dumagdag ang 44 na bagong kaso.

Facebook Comments