Ipinaramdam ng Department of Education (DepEd) sa mga estudyante at guro ng isang Isla sa Rizal Province ang malasakit matapos nila itong bisitahin sa pagbabalik eskwela noong Lunes.
Sa kabila ng banta ng sama ng panahon, tinungo ng mga opisyal ng DepEd Rizal Province ang mga paaralan sa Isla ng Talim.
Sa pangunguna nina DepEd Rizal Schools Division Superintendent Dr. Susan Oribiana at Assistant Schools Division Superintendent Gloria Roque kasama si Regional Director Atty. Alberto Escobarte ay sinaksihan ang pagbabalik eskwela ng mga estudyante.
Bukod sa pagbisita namahagi rin ang mga Kawani ng School supplies para sa mga estudyante ng mga paaralan sa Isla.
Paliwanag ni Roque na sa kabilang pagiging malayo sa kabihasnan, natutuwa ang mga DepEd officials na makitang sabik na magbalik paaralan ang mga bata makalipas ang dalawang taon.