Pabago-bagong liderato sa Kamara, hindi rin maganda, ayon sa Malacañang

Iginiit ng Malacañang na hindi maganda ang madalas na pagpapalit ng liderato sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ito ay kasunod ng girian sa term-sharing agreement sa pagitan nina House Speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque Representative Lord Allan Velasco.

Aminado si Presidential Spokesperson Harry Roque, bagamat na hindi naka-‘fix’ ang panahon ng botohan o eleksyon sa pagka-Speaker, ang palagiang pagpapapalit ng liderato ay hindi rin mabuti.


Muling nanindigan si Roque na hindi na manghihimasok pa si Pangulong Rodrigo Duterte sa gusot sa House leadership dahil panloob na isyu na ito sa Kamara.

Tatanungin din ni Roque ang Pangulo kung ipapatupad pa ba ang term-sharing deal kasunod ng pag-alik ni Cayetano na magbitiw.

Facebook Comments