PABABAGSAKIN | Banta ng CPP-NPA, patunay na sila ay terorista – Malacañang

Manila, Philippines – Iginiit ng Malacañang na pinapatunayan lamang ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) ang pagiging terorista nila.

Ito ay matapos magbanta ang komunistang grupo na pababagsakin nila ang Administrationg Duterte sa 2018.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar – ipinapakita lamang ng CPP-NPA ay sila ay kalaban ng Estado, maging ng taumbayan.


Aniya, hindi lamang ang gobyerno ang nais pabagsakin ng CPP-NPA kundi maging ang sambayanang bumoto at nagluklok sa Pangulo.
Nabatid na idineklarang terrorist organisasyon ng Pangulong Duterte ang CPP-NPA.

Facebook Comments