PABABAIN | DOH, target mapababa ang bilang ng mga kaso ng ketong sa bansa

Manila, Philippines – Target ng Department of Health (DOH) na mapababa ang bilang hanggang sa mawalan ng tuluyan ang mga kaso ng ketong sa bansa sa pagsapit ng taong 2022.

Ayon sa DOH, nasa 1,000 kaso ang naitala sa pilipinas kada taon mula 2010 hanggang 2016.

Naitala ang pinakamataas na kaso ng ketong noong 2012 kung saan mayroong 2,000 kaso na karamihan ay mga bata ang tinamaan ng sakit.


Binigyang diin pa ng DOH na nagagamot ang sakit na ketong lalo’t kung maaga itong mada-diagnose.

Payo ng DOH, agad na magpakonsulta sa doktor kung makitaan ng simtomas ng ketong ang balat, kabilang na ang pag-iiba ng kulay ng balat, pamamantal at pamamanhid nito.

Facebook Comments