PABABALIKIN | Isang British national na sex offender sa United Kingdom, nakatakdang ipa-deport

Tarlac – Nakatakdang ipa-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang isang British national na isang sex offender sa United Kingdom (UK).
Sa ulat, nahatulan na sa korte sa UK ang suspek na si Mark Christopher Wyatt, 42-anyos matapos tangkaing makipagkita at makipagtalik sa isang 16-anyos na dalagita noong 2015.
Naaresto sa bansa si Wyatt noong Disyembre 8 sa pamamagitan ng mga miyembro ng Fugitive Search Unit (FSU) ng BI sa kanyang bahay sa Camiling, Tarlac.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, pababalikin sa kanilang bansa ang foreign national para doon muling makulong dahil umalis ito sa UK sa kasagsagan ng kanyang period of supervision.

Facebook Comments