PABAGO-BAGONG PANAHON, NAKAKAAPEKTO SA KABUHAYAN NG ILANG MANGINGISDA SA LINGAYEN

Apektado ang kabuhayan ng mga mangingisda sa Lingayen dahil umano sa pabago bagong panahon.

Sa panayam ng IFM News Dagupan sa ilang mangingisda o “kumakalokor” sa bayan, hindi umano makapunta ang mga ito sa medyo malalim na bahagi ng dagat para makapag hulog ng lambat dahil sa banta sa kanilang kaligtasan dulot ng malalakas na alon at hangin.

Dagdag ng mga ito, nakakabawi naman sila tuwing kalmado ang dagat dahilan kaya nakakailang layag sila sa malalim na bahagi at nakakapuno ng limang banyera ng isda.

Samantala, pinakamarami umanong nakukuha nila ngayon sa dagat ay pingka na magkakaiba ang laki at nagkakahalaga ng P350-400 kada kilo.

Aminado naman ang mga tindera na may kataasan ang presyo ng kanilang tindang isda kung ihahambing sa palengke ngunit tinatangkilik pa rin ng karamihan dahil ito ay sariwa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments