Pabahay at scholarship sa pamilya ng mga OFW, tiniyak ni PBBM

Siniguro ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) at pamilya nito na kumikilos ang gobyerno para sa pabahay at scholarship ng mga OFW.

Sa isinagawang Pamaskong Handog para sa pamilyang OFW sa Malacañang, inihayag ng pangulo na tinitingnan na ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mga benepisyo para sa mga Pinoy na nagtatrabaho sa abroad.

Ito ay bilang pagkilala ng pamahalaan sa mahalagang ginagampanan ng mga OFW.


Sa pamamagitan aniya ng mga OFW ay nakikilala ang mga Pinoy sa buong mundo bilang masipag, maalaga at matalinong manggagawa.

Facebook Comments