Pabahay ng PRO2, Masayang Tinanggap ng isang Lola sa Quirino, Isabela

Cauayan City, Isabela- Masayang tinanggap ni Lola Concepcion Santiago mula sa Quirino, Isabela ang ipinatayong bahay na kanyang matitirahan mula Malasakit Challenge ng Isabela Police Provincial Office sa ilalim ng PRO2 Lingkod Bayanihan.

Si Lola Concepcion ay balo kasama ang kanyang tatlong mga apo at pawang mga residente ng Sto. Domingo, Quirino, Isabela at siya umano ang ikatlong benepisyaryo ng housing assistance sa kanilang bayan.

Lubos naman ang pasasalamat ni PRO2 Regional Director PBGen. Crizaldo Nieves sa Local Government Unit of Quirino, Isabela Police Provincial Office, Quirino Police Station at Anti-Crime and Community Emergency Response Team (ACCERT) Quirino Chapter at iba pa sa kanilang hindi matatawarang suporta sa programa.


Sa panayam ng iFM Cauayan kay ACCERT Director Efren Fernandez, labis ang kanyang pasasalamat sa hanay ng Police Regional Office 2 na siyang may inisyatibo sa ganitong mga proyektong pabahay sa ilang mga taong higit na nangangailangan ng tulong.

Naghandog rin ng motorsiklo ang PRO2 sa Quirino Police Station gayundin ang ginawang dayalogo ng PRO2 sa mga kasapi ng Anti-Crime and Community Emergency Response Team (ACCERT)-Quirino Chapter.

Samantala, nakatanggap din ng mga grocery items, bigas, tangke, single burner stove, higaan at isang stand fan sa ilalim naman ng BARANGAYanihan ng PNP si Lola Concepcion.

Ika-24 ng nabigyan ng pabahay ang biyudang si Lola Concepcion mula sa programa ng PNP.

Facebook Comments